Monday, June 25, 2012
Babala: Mga gastusin na dahilan ng utang
Ang mga tukso na hindi naaayon sa iyong pinansiyal na layunin ay isa pang kagawian na posibleng magdulot ng utang. Tandaan na lagi nating pinapayo na gumawa ng Statement of Assets and Liabilities (SAL) para malaman ng eksakto kung nasaan ka ngayon sa iyong buhay pinansiyal. Lalo ninyong mas maunawaan ang kahalagahan ng SAL kung sabihin ko sa inyo pareho lang ito sa SALN (Statement of Assets and Liabilities and Net Worth) na laging nababanggit noong impeachment hearings ni Chief Justice Corona.
Kailangan mo ring gumawa ng Budget Forecast na nagpapakita ng iyong kita, ipon at gastos (Income - Savings = Expenses). Kapag alam mo na ang iyong budget at iyong SAL, puwede mo ng gawin ang iyong Personal Financial Plan na siyang nagsasabi kung magkano ang perang kailangan mong makamit sa isang espesipikong panahon sa hinaharap. Kasama rin dapat sa iyong plano kung paano mo ii-invest ang iyong savings para lumago ang iyong SAL nang hindi bababa sa 2 beses kada taon, maiintindahan mo kung lumalago ba ang iyong kayamanan o hindi.
Napakaraming tukso na magiging dahilan para makalimutan mo ang iyong mga layuning pinansiyal. Karamihan sa mga tuksong ito ay galing sa iyong mga kamag-anak, kaibigan at kapitbahay na hindi nagpaplano para sa kanilang pinansiyal na kinabukasan. O kaya naman, mas malaki ang kita nila kaysa sa iyo kaya kumpara sa iyo, mas malaki ang natitira nilang pera para sa mga regular na gastusin.
Ang binyag ay isa pang halimbawa kung saan nagkakaiba ang pananaw ng mga tao. May ilang nagsasabi na dapat malaking pagdiriwang ang binyag dahil isang beses lang ito nangyayari sa buhay ng binibinyagan. Mas ipinagdidiriwang itol lalo na para sa panganay na anak. Kapag nagpasya kayo ng malaking pagdiriwang, magbibigay suhestiyon ang mga kamag-anak at kaibigan tungkol sa espesyal na damit-pambinyag, lugar na paggaganapan at iba pa. May kaakibat na gastos ang lahat ng ito at makababawas pa sa ipon mo. Hindi man lang mag-e-enjoy o malalaman ng iyong baby kung ano ang nangyayari, baka nga hindi pa siya maging komportable sa kaguluhan. Imbes na gumastos ng malaki sa binyag, ang perang matitipid ay puwedeng gamitin na lamang para magbukas ng savings plan para sa inyong anak. Mas mag-e-enjoy pa siya rito sa panahong kailangan niya ito.
Pipiliin ng mga taong may disiplinadong pananaw ang isang simple at tahimik na binyag. Hindi kailangang sumunod sa gusto nga mga kamag-anak at kaibigan. Kahit na magbigay sila ng pera para sa binyag, puwede mo na lang itabi ang pera bilang ipon para sa bata. Pero siyempre, baka hindi sila magbigay ng kontribusyon ng mga kakilala para bayaran ang diperensiyang ito? Siguro, kung tiyak ka na sapat o higit pa ang kontribusyon para pondohan ang karagdagang gastusin ng isang malaking handaan, hindi ka nila matutukso na gumastos nang higit sa iyong budget.
Saturday, June 2, 2012
CONFIDENCE
Confidence's ugly step-sister is arrogance. She may seem just as sure of herself, but if you look at her core, she's empty inside. What's the difference? Confidence looks in the mirror and sees her flaws but also sees her true worth. Arrogance looks in the mirror, sees her flaws, and tries to hide them with lots of cheap cover-ups like boastful words ("Look at me! I'm the prettiest girl in the whole world!") and petty putdowns ("Yuck! She's so panget, not like me.") Arrogance hates Confidence because Confidence has something Arrogance doesn't have security. A pimple pops up and Confidence can still go to the ball because she knowsshe's more than just a pretty face. When Arrogance get a zit attack, her bloated self-image is ruined and the only way she can restore it is by making sure everyone else gets a zit, too. Security comes from knowing your true value and letting your value come from who you are. Insecurity comes from lessening your value by basing your worth on what you have, what you want desperately to be, or what other people say you are.
Confidence and arrogance don't get along. Be careful who you choose to be.
Subscribe to:
Posts (Atom)