Monday, December 3, 2012
Tips Para Manatiling Active at Matalas ang Isip Kahit Oldies Na
Marami sa atin ang natatakot na mawala ang memorya o maging ulyanin habang nagkakaedad. Magagawa nating maging aktibo ang ating utak at mapanatili ang magandang kalidad ng buhay sa ilang paraan. Umpisahan sa tamang pagkain, nutrisyon, pisikal ang sosyal na aktibidad ay may nagagawa ito para maging alisto ang isipan. Ang mga brain game at mga pisikal na aktibidad ay kayang pagmatibay ng utak at nakatutulong kahit tumatanda ay aktibo pa rin ang kaisipan.
MGA UGALING DAPAT BAGUHIN:
1. Maging optimistiko. Ang pagpasyahan kung paano damahin ang magandang umaga ang ddetermina ng ganda ng buo araw mo. Maari mong piliin na maging positibo sa lahat ng bagay. Tiyak na magiging maganda ang araw at dahil ang ugali ay iibayo, mas gagaan pa ang karakter.
2. Tapusin ang kalungkutan. Pangkaraniwang dahilan ng paghina ng isipang ito sa isang may edad. Magpakonsulta sa doktor, uminom ng gamot ayon sa inireseta at iwasan ang anumang depressants tulad ng sedatives at alcohol.
3. Lumahok sa volunteer group. Gumawa ng isang bagay na sa tingin mo ay makahulugan. Maging aktibo sa pakikihalubilo at makisama sa iba.
PAKAININ ANG ISIPAN.
1. Sundin ang malulusog na diyeta upang mabawasan ang peligro ng sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo at diabetes. Kung ikaw ay diabetes, sundin ang iniresitang dietary guidelines upang bumaba ang antas ng sugar.
2. Kumain ng pagkain na mataas sa antioxidants o kaya ay uminom ng supplements. Ang pagkaing mataas sa antioxidants ay nakatutulong para maproteksiyunan ang selyula ng utak at nakapagpapalusog sa ating isipan.
3. Uminom ng sapat na dami ng tubig upang mananatiling hydrated. Ang tubig ang nagpapanatili ng magandang sirkulasyon sa dugo at napakahalaga para sa aktibidad ng utak. Nagiging dahilan din ng pakalito ang dehydration kaya tiyakin na makaiinom ng sapat at mag-ehersisyo rin.
IHERSISYO ANG ISIPAN.
1. Ihersisyo ang katawan. Totoo ang lumang kasabihan na "healthy body, healthy mind." Ang ehersisyo ay nakapagpapaapekto sa kabuuan ng kalusugan, kabilang na ang utak. Lumangoy, magbisikleta, maglakad, magsayaw, maghardin, mag-stretch o kaya ay magyoga upang manatiling malusog ang katawan at isipan.
2. Gawing aktibo ang isipan araw-araw. Maglaro ng trivia games, mag-crossword puzzle, word games o magbasa, araw-araw.
3. Simulan ang isang bagay na magbibigay-pagsubok sa isipan. Kumuha ng bagong pagkakaabalahan, matuto ng bagong lengguwahe o kaya ay family history.
4. Mag-weights o kaya ay buhahit ang mabibigat na grocery items sa bahay upang magkaroon ng strengthening exercises.
5. Buuin ang oras ng pagtulog sa gabi para sa sariwang paggising ng isipan at maging aktibo.
6. Maging tagapayo sa iba at ibahagi ang nalalaman sa kanila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment