Tuesday, January 1, 2013

ANG KAHALAGAHAN NG KALUSUGAN, KASIYAHAN AT PERSONALIDAD SA ASPETONG PINANSIYAL


May natanggap tayong email na pinamagatang "Handbook 2013". Mayroon iyong listahan ng mga "dapat gawin" para sa ikabubuti ng ating kalusugan, personalidad, kasiyahan, lipunan at buhay. Wala naman talagang bago roon pero magandang paalala ang mga iyon ngayong sisimulan natin ang 2013. Hindin natin matiyak ang pangalan ng may-akda at hindi natin sisipiin nang eksakto kung ano ang sinabi niya. Mukhang kumpilasyon iyon ng mga likha ng maraming may-akda.

Tungkol sa kalusugan, pinaaalalahanan tayong uminom nang maraming tubig. Kumain ng almusal na angkop sa isang hari, tanghalian na pamprinsipe at gabihan na pampulubi. Kumain ng mas maraming bunga ng puno at halaman kaysa mga artipisyal na pagkain. Mabuhay nang may enerhiya, sigla at pang-unawa. Maglaan ng oras para manalangin. Maglaro! Maglaan ng oras kasama ang kalikasan. Magbasa ng mga libro. Maglaan ng sampung minuto ng katahimikan kada araw. Matulog nang pitong oras. Maglakad ng 10-30 minuto kada araw at bigyang-pansin ang iyong kapaligiran.

Paano nakaaapekto ang mga ito sa iyong pinansiyal na kalagayn?

Pansinin na halos hindi kailangang gumastos para masunod ang mga ibinigay na payo. Mas nakatuon din ang mga payo sa mga PANGANGAILANGAN kaysa sa mga LUHO. Malinaw na hindi kailangang gumastos para maging malusog. Sa katunayan, ang kawalan ng magandang kalusugan ang nagdudulot ng malaking gastos sa mga gamot at doktor.

May ibinigay ding payo tungkol sa ating pagkatao. Huwag ikumpara ang iyong buhay sa iba. Hindi mo alam kung ano ang kanilang tinahak na landas. May lugar ang bawat tao sa ating mundo. Huwag nang ikasama ng loob ang mga bagay na hindi mo kayang kontrolin. Mas mainam pa na gamitin ang iyong enerhiya sa biyaya ng kasalukuyan. Gawin ang puwede mong gawin para mapaunlad ang mundo. Huwag masyadong seryosohin ang sarili mo. Mas mangarap habang gising ka. Aksaya lang sa oras ang inggit. Nasa iyo na lahat ng kailangan mo. Huwag kailanman magsayang ng enerhiya sa tsismis. Maging mapagkumbaba. Kalimutan ang mga nakaraang problema na makasisira sa kasalukuyan.

Pero muli, paano ito nakaaapekto sa iyong pinansiyal na kalagayan?

Ang mapupulot na aral dito ay maging positibo sa pag-iisip at pakikisalamuha sa mga tao. Posibleng mahirap ka pa ngayon, pero posible ka pa ring magkaroon ng positibong pananaw sa buhay. Sa tulong ng iyong positibong pag-iisip, magiging malikhain ka at makakaisip ka ng mga paraan na magdadala sa iyo ng karagdagang kita o ng pagkakataong kumita nang mas malaki. Hindi ko sinasabing madali ito. Mas madaling magmukmok at maawa sa sarili kapag mahirap ka at maghintay na lang ng limos mula sa iba. Pero kung hihinto ka sa pagmumukmok at sikaping maging mas mahusay na tao, tiyak na makahahanap ka ng mga bagong paraan para kumita at maging mas kuntento.

Kung may trabaho ka at kumikita, pinagpala ka dahil mayroon ka nang "bala" para simulan ang pag-iipon at pagpapalago ng yaman. Pagyamanin ito sa pamamagitan ng pagpapalawak ng sariling edukasyon. Maraming libreng paraan para magawa ito. Basahin pati ang diyaryong itinatapon na. Matutong pumunta sa internet at magbasa!

Magpasalamat tayo sa Maykapal para sa nagdaang 2010! Anuman ang dinala ng 2012... kaligayahn o pagsubok man.. harapin natin ang Bagong TAon nang may pag-asa at gamitin ang mga karanasan ng mga nagdaang taon para gawing positibo ang 2013!

1 comment:

clar said...

It was very interesting for me to read that blog. Thanks the author for it. I like such topics and everything that is connected to them. I would like to read more soon. Sakit.info